Mahalaga ang partisipasyon ng buong komunidad upang matugunan ang pangangailan ng bawat miyembro nito tuwing may sakuna, krisis, o pandemya. Bagamat isa sa mga pinakabulnerable sa mga ganitong pagkakataon ang mga kababaihan at batang babae, hindi sila nabibigyan ng oportunidad at sapat na representasyon upang makilahok sa mga decision-making spaces. Madalas ay nakikita silang pasibong mga biktima lamang at hindi bilang mga indibidwal na may kakayahang makapagbigay ng kontribusyon.
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan na may temang “Women in Leadership: Achieving an equal future in a COVID-19 world”, sama-sama nating palakasin ang panawagan na mabigyan ng patas na boses ang mga kababaihan sa pakikilahok, pag-oorganisa, at pamumuno sa gitna ng pandemya.
Mapagpalaya, masigasig, at makapangyarihang araw ng kababaihan!