Ahon Bicol Relief Operations

Ang mga Super Inday ng PKKK ay pumunta sa mga munisipyo ng Balatan, Nabua, at Bula sa Camarines Sur, Bicol para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Rolly noong Nobyembre 1-3, 2020. Agad agad kumilos ang mga Inday para matulungan ang mga babaeng lider ng PKKK Kasama ng mga relief goods, ang ating mga Super Inday ay nagbigay rin ng mga education materials at brochures tungkol sa disaster risk reduction management at iba pang mga importanteng isyu na hinaharap ngayon ng mga kababaihan.

Pagkatapos ng tuloy-tuloy na pagbigay ng relief goods sa mga kapatid natin sa Bicol, ang mga #SuperInday ng PKKK ay nagfacilitate ng Focus Group Discussion at Community Resilience Model workshop sa Surfers Paradise Resort, Pasacao, Cam Sur.

21 leaders ng PKKK galing sa iba’t ibang munisipyo ay nakadalo, patunay na #WomenFirstResponders!

Recent PKKK News
Connect with us